Mayor Isko Moreno nakipagpulong sa global health leaders para palakasin ang healthcare system ng Maynila
Angelo Calixtro March 9, 2026 at 06:25 PM
MAYNILA — Nakipagpulong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga kinatawan ng Asian Institute for Healthcare Leadership and Management (Asian HEAL), SingHealth Duke-NUS Global Health Institute, at University of the Philippines–Manila para higit pang mapalakas ang healthcare system sa lungsod.
Ayon kay Moreno, mahalaga ang
pagkakaroon ng maayos na pasilidad sa mga ospital at ang patuloy na pagsasanay at pag-aaral ng mga namumuno sa sektor ng kalusugan.
Sa pamamagitan ng mas malalim na kaalaman sa pamamahala ng mga pasilidad pangkalusugan, inaasahang mas mapapabuti ang serbisyo at operasyon ng mga healthcare facilities sa lungsod.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang ilang health leaders mula sa Singapore, isang bansang hinahangaan ni Moreno dahil sa mahusay nitong sistema ng kalusugan.
Sa kasalukuyan, ang Lungsod ng Maynila ang may pinakamalaking healthcare provider sa lahat ng local government units (LGUs) sa bansa, na may pitong pampublikong ospital at 44 na health centers na patuloy na nagsisilbi sa mga residente.
📷 Manila Public Information Office