Outdoor misting system inilunsad sa Quezon Memorial Circle laban sa init
Angelo Calixtro April 22, 2026 at 06:23 PM
QUEZON CITY — Naglagay ng bagong outdoor misting system sa Quezon Memorial Circle bilang bahagi ng hakbang upang mabawasan ang epekto ng matinding init ngayong tag-init.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang misting system ay nagsisilbing cooling solution sa pamamagitan ng pagpapababa ng temperatura sa paligid at pagdagdag ng moisture sa hangin, na makatutulong sa mga bumibisita sa parke.
Maaaring gamitin ng publiko ang misting area habang naglalakad, nagjo-jogging, o nagpi-picnic sa loob ng parke, na nagbibigay ng agarang ginhawa mula sa init.
Hinikayat din ng mga opisyal ang mga residente at bisita na pangalagaan ang pasilidad, na bahagi ng patuloy na pagpapaganda at pagpapahusay ng mga pampublikong espasyo sa lungsod.
📷 Quezon City FB