Mga solo parent sa Valenzuela, tumanggap ng cash subsidy mula sa lokal na pamahalaan
Angelo Calixtro February 21, 2026 at 09:19 PM
VALENZUELA CITY — Pinagkalooban ng cash subsidy ang mga kwalipikadong solo parent sa Valenzuela noong Pebrero 19, bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng mga programang panlipunan ng lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, mahigit ₱9 milyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa District 1 at District 2.
Layunin ng inisyatiba na makatulong sa mga solo parent sa pagharap sa gastusin sa pang-araw-araw, lalo na sa pagpapalaki at pag-aaruga ng kanilang mga anak.
Isinagawa ang pamamahagi alinsunod sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act, na nagbibigay ng karagdagang benepisyo at suporta sa mga kwalipikadong solo parent sa buong bansa.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan na ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga pamilya sa Valenzuela, kabilang ang mga sektor na nangangailangan ng mas malawak na tulong at proteksiyon.
📷 Valenzuela City