₱17.4M tulong-medikal, ipinamahagi sa 28 pasyente sa Maynila
Angelo Calixtro March 18, 2026 at 05:37 PM
MAYNILA — Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng kabuuang ₱17,444,576.75 bilang tulong-pinansyal para sa 28 pasyente upang makatulong sa pagbabayad ng kanilang hospital bills.
Pinangunahan nina Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang personal na pamamahagi ng mga tseke sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng agarang serbisyong medikal ng lungsod.
Emosyonal ang ilang tumanggap ng ayuda at hindi napigilan ang pagluha matapos maibsan ang kanilang alalahanin sa gastusing medikal.
“Magpasalamat kayo sa Diyos at sa taxpayers,” pahayag ni Domagoso.
Sa ilalim ng Kaagapay Program, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga Manileñong nangangailangan ng suportang medikal.
Ayon sa lungsod, sumasalamin ang programa sa layunin na maibalik sa mamamayan ang buwis sa pamamagitan ng direktang serbisyong may konkretong benepisyo para sa bawat mamamayan ng Maynila.
📷 Manila Public Information Office FB