10 infra projects sabayang inilarga ng Caloocan LGU ngayong Agosto
Reggie Vizmanos August 9, 2023 at 11:29 AMSampung proyektong pang-imprastraktura na direktang pakikinabangan ng libo-libong residente ng Caloocan ang sabay-sabay na inilunsad ng lokal na pamahalaan ngayong buwan ng Agosto.
“Makikita natin na hindi pare-pareho ang pakay ng mga naitayo o sisimulan pa lang na proyekto. Merong para sa kalusugan, kaligtasan, at kahit para sa paglilibang ng mga Batang Kankaloo dahil hangarin po natin na lahat ng larangan, kaya nating bigyang prayoridad,” sabi ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng: dalawang health center sa Phase 3 at Phase 4 sa Barangay 176 Bagong Silang na napabendisyunan at na-turnover na; isa pang health center, bagong covered court at apat na street lighting projects sa Brgy. 175; covered court din at street lighting project sa Brgy. 178; at ang groundbreaking at pagsisimula ng paggawa ng Super Health Center sa Brgy. 28 sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Senator Bong Go at sa Department of Health (DOH), gayundin kina District 1 Cong. Oca Malapitan at District 2 Congw. Mitch Cajayon-Uy.
Personal umanong pinangasiwaan ni Mayor Malapitan ang pagpapagawa ng lahat ng mga proyektong ito.
Photo: Caloocan PIO