18 pamilya naapektuhan ng sunog sa 2 barangay sa Caloocan; LGU nagbigay ng tulong
Reggie Vizmanos February 15, 2024 at 03:43 PM
📷: Along Malapitan FB, Cong. Oca Malapitan FB
Umabot sa 18 pamilya ang naapektuhan ng magkahiwalay na sunog na naganap sa dalawang barangay sa Caloocan City.
Sa Champaca St., Barangay 177, labing-apat (14) na pamilya na binubuo ng 67 indibidwal ang nabiktina ng sunog at pinatuloy muna pansamantala sa Phoenix Covered Court habang inaasikaso sila roon ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) at ng barangay sa pamumuno ni Barangay Captain Dona de Gana-Jarito.

Agad ding nanawagan ng tulong para sa mga nasunugan ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. 177. Bukod sa mga basic provisions o batayang tulong na pagkain at damit ay humiling din sila ng donasyong school supplies at unipome para sa mga naapektuhang kabataan na anila’y nag-aaral sa Cielito Zamora Elementary School, Junior High School at Senior High School.
Apat na pamilya naman ang nasunugan sa Kaunlaran, Bagong Barrio sa Barangay 150.
Pinangunahan nina Mayor Along Malapitan, Congressman Oca Malapitan at Konsehal Enteng Malapitan ang pamimigay ng tulong pinansyal, pagkain, at dignity kits sa mga nasalanta ng sunog, katuwang ang CSWDD at mga opisyal ng barangay.