| Contact Us

90 porsiyento ng empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, nabigyan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

Ace Cruz July 15, 2021 at 05:08 AM

Nobenta (90) porsiyento ng empleyado ng Caloocan city hall ay nabigyan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa pinakahuling tala ng Caloocan City Human Resource and Management Department, 4,848 na mga empleyado nila mula sa kabuuang bilang na 5,433 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna laban sa coronavirus.

2,795 naman sa mga empleyado ng lungsod o nasa 51.44% ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna o fully vaccinated na.

Kasunod nito, sinabi ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na bagamat hindi sapilitan ang pagpapaturok ng bakuna sa mga residente ng lungsod o sa mga empleyado ng city hall ay kanya pa ring hinihikayat ang publiko na magpabakuna para sa proteksyon laban sa virus.

“Hindi sapilitan subalit atin silang hinihikayat, higit na ang mga nasa ospital at vaccination centers. Bilang mga lingkod-bayan, mahalaga na mayroon silang pananggalang sa sakit sa araw-araw na pagseserbisyo sa mga mamamayan ng Caloocan,” ayon kay Mayor Oca Malapitan.

Photo courtesy of Mayor Oscar ‘OCA’ Fb Page

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last