| Contact Us

Animal bite treatment centers sa Caloocan

Paulo Gaborni March 5, 2024 at 03:31 PM

Inanunsyo ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan ang serbisyong handog ng lokal na pamahalaan para sa mga residenteng nakagat ng aso at pusa.

Ayon sa kanyang pahayag, maaaring magtungo ang mga residente alinman sa walong Animal Bite Treatment Centers na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Operational ang mga ito mula Lunes hanggang Biyernes, 1:00 pm hanggang 5:00 pm.

Nagbibigay rin doon ng free consultation, anti-rabies vaccine, at gamot.

Makikita sa mga larawan mula sa opisyal na Facebook page ng punong lungsod ang lokasyon ng mga animal bite treatment centers.

“Sa lahat ng ating mga kababayan na may alagang aso at pusa, pabakunahan po natin sila sa Caloocan City Veterinary Department, libre po ito at mainam para sa kaligtasan ng bawat isa,” ayon kay Mayor Along.

📷: Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last