| Contact Us

Arestado sa Caloocan City ang tatlong babaeng sangkot sa abortion. Social media, ginawang marketplace para makakuha ng kliyente

RJ Capin March 28, 2023 at 01:08 AM

Arestado ang isang babae at dalawa pa niyang assistant matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng abortion o pagpapalaglag ng sanggol sa isang paupahang bahay sa Deparo, Caloocan City nitong Biyernes, March 25.

Matapos ibigay ang hudyat ng isang undercover na pulis mula sa PNP Anti-Cybercrime group, sinalakay na ng mga awtoridad ang pinaghihinalaang abortion clinic. Nahuli sa akto ang mga suspek na kinilalang sina Anabelle Sison, Mercedes Dela Cruz, at Jaira Destajo.

Ayon kay P/Lt. Michelle Sabino, Public Information Officer ng PNP Anti-Cybercrime Group, “nang na-validate natin to be true [iyong abortion offers sa social media] ay nagsagawa na tayo ng entrapment operation. Iyong ating undercover ay nagpost online bilang potential client.”

Nakita sa bahay ang iba’t ibang aparato sa pagpapalaglag ng bata.

Ayon kay Sison, natutunan niya ang proseso ng paglalaglag ng bata nang maging assistant siya dati ng isang komadrona. Isang taon na raw niya itong ginagawa at nagkakaroon siya ng tatlong kliyente kada linggo na ang karamihan daw ay nakukuha niya sa social media.

Dagdag pa niya, siya mismo ang naglilibing sa mga namamatay na sanggol at iyong mga mabubuhay naman ay siya na raw ang bahala.

“Kinakausap po namin ‘yong nanay kung [nais] niyang iuwi. ‘Pag ayaw po niya, naghahanap po ako ng nag-aampon.”

Nasagip naman sa operation ng pulisya ang dalawang dalaga na dapat sana ay magpapa-abort.

Nahaharap sa mga kasong Intentional Abortion, Illegal Practice of Medicine, at Anti-Cybercrime Law ang mga suspek.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last