| Contact Us

Babae nasawi sa pamamaril sa Malate

Anne Hernandez November 11, 2024 at 06:32 PM

MANILA — Namatay ang isang 37 anyos na babae matapos siyang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo sa Malate, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Danica Anna Del Puso, may live-in partner, residente ng Arellano St., Barangay 732 Malate, Manila.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril bandang 9:30 ng gabi ng Nobyembre 10, sa Arellano St., tapat ng eskwelahang St. Benilde at tapat din ng bahay ng biktima.

Batay sa paglalarawan, isa sa dalawang suspek ang armado ng kalibre .45 baril na nakasuot ng pulang hooded jacket. Nakaangkas sa kanyang motorsiklo ang isa pang suspek.

Tumakas sa direksyon ng Quirino Highway ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa Ospital ng Maynila. Idineklara ang kanyang pagkamatay dakong 10:34 ng gabi, araw ng Linggo.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng MPD-Station 9 para matunton ang mga suspek.

📷 Contributed photo

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last