Balita sa Caloocan- bigas para sa PWD, libreng serbisyong medikal at gupit, at pakikiisa sa tree planting activity
September 15, 2022 at 05:17 PMLokal na pamahalaan ng Caloocan, nagpamahagi ng tig-lilimang kilo ng bigas sa mga Persons with Disability o PWD.
Ayon sa pahayag ni Mayor Along Malapitan, sinabi niya na “nais nating maalalayan ang pang-araw araw na pangangailangan ng ating mga kababayang may kapansanan. Asahan ninyong tututukan pa natin ang mga programa at benepisyo para sa inyo, mga Batang Kankaloo.”
Isinagawa rin ni Mayor Along ang People’s Day sa Caloocan City Hall-North, Amparo Nature Park ngayong araw, September 15.
Ipinatupad ng city hall ang libreng medical consultation at pamimigay ng libreng gamot at tulong pinansyal.
Nagkaroon din ng libreng gupit para sa mga residente.
“Ipinagpapatuloy natin ito upang maalalayan ang mga pangangailangan ng mga kababayan natin sa aspetong medikal, pampalaboratoryo o pagpapalibing ng kanilang mga mahal sa buhay,” ayon sa pahayag ni Mayor Along sa kanyang Facebook page.
Magkakaroon uli ng People’s Day sa Biyernes sa Caloocan City Hall-South
North Diversion Road (NDR) District Office.
Nakiisa rin ang mga kawani ng Caloocan Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) sa tree-planting activity sa Lamesa Watershed. Pinangunahan ang proyekto ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Naglabas din ng pahayag ang tanggapan ni Mayor Along tungkol sa kapuri-puring proyekto.
“Isa po ito sa itinuturing na ‘major watershed’ ng Metro Manila at pinagkukunan ng malinis na tubig ng humigit 12 milyong residente ng ating rehiyon.”
Dagdag pa ng alkalde, kabilang sa kanyang programa ang pangangalaga sa kalikasan.
“Isa po sa mga layunin ng ating administrasyon ay ang pagkaroon ng mas marami pang programa kaugnay ng pangangalaga sa kalikasan. Isa rin ito sa magiging prayoridad natin lalo ang pagtatayo ng mas maraming open green spaces sa Caloocan sa mga susunod na taon.”
Photo: Along Malapitan Fb page