| Contact Us

Batang nahulog sa kanal sa Caloocan, mahigit 24 oras bago natagpuan

Reggie Vizmanos October 15, 2023 at 10:15 PM

Labis ang hinagpis ng mag-asawang residente ng Caloocan City makaraang mahulog ang kanilang tatlong taong gulang na anak sa kanal malapit sa kanilang bahay dakong alas-tres ng hapon nitong October 14.

Base sa Retrieval Operation report ng Bureau of Fire Protection (BFP-NCR) – Caloocan City, isinalaysay sa kanila ng 43-anyos na ina ng bata na ang biktima, kasama ang kaniyang apat na kapatid (16-anyos na panganay, 7-anyos na kambal, at isang 6-anyos) ay naglalaro sa ulan noong hapon ng Oktubre 14 sa kanilang lugar sa Phase 10 Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City.

Pumasok umano sandali sa kanilang bahay ang ina para mag-CR. Paglabas niya ay narinig niya ang sigaw ng kaniyang mga anak na nagsabing ang kanilang 3 years old na kapatid ay nahulog sa kanal malapit sa kanilang bahay.

Ang naturang kanal ay may butas na may sukat na 12 inches.

Naroon din umano sa lugar ng insidente ang ama ng mga bata.

Nagtulong-tulong ang mga residente ng barangay sa pagbakbak sa sementadong kanal at kalsada para makuha ang bata. Magdamag ang ginawa nilang paghuhukay at paghahanap. Pagdating ng umaga, dumating ang tulong mula sa pamahalaang lokal, Bureau of Fire Protection, at MMDA. May dala silang backhoe at iba pang heavy equipment.

Makalipas ang mahigit 24 oras na paghahanap sa bata, bandang alas-tres ng hapon, Oktubre 15, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Mountain Site River, Phase 10, Accohomes, Barangay 176, Bagong Silang. Humigit-kumulang na 500 metro ang layo nito mula sa kanal kung saan nahulog ang bata.

Matapos ang retrieval operation, ibinigay na ng BFP ang katawan ng bata sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa pulisya ng Phase 1 Bagong Silang.

Photo: Screengrab from contributed videos

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last