Caloocan City magbubukas ng libre co-working space para sa mga estudyante
Angelo Calixtro March 17, 2026 at 11:49 PM
CALOOCAN — Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ang nalalapit na pagbubukas ng isang libreng co-working space na tinawag na “Caloocan Connect,” na layong magbigay ng tahimik at maayos na lugar para sa mga estudyante at residente.
Matatagpuan ang pasilidad sa ika-5 palapag ng Caloocan City – South, at magsisilbing lugar para sa pag-aaral, research, at review ng mga nangangailangan ng conducive environment.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bukas ang “Caloocan Connect” sa lahat at walang bayad ang paggamit nito, bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na suportahan ang edukasyon ng mga residente ng lungsod.
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, patuloy silang magpapatupad ng mga programang magbibigay ng kapaki-pakinabang na espasyo at serbisyo na tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng komunidad.
📷 Along Malapitan FB