| Contact Us

Caloocan City, nagsagawa ng tuberculosis awareness seminar

Rj Capin March 20, 2023 at 05:56 PM

Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamumuno ni Mayor Dale “Along” Malapitan, ang programa para masolusyonan ang mga kaso ng tuberculosis sa lungsod.

Pinangunahan ng City Health Department (CHD) ang isinagawang Tuberculosis Awareness seminar para sa mga kawani ng bawat barangay sa lungsod.

Inatasan naman ng pamahalaang lungsod ang mga tauhan ng barangay na makiisa sa programa at himukin ang mga residente sa komunidad na kumonsulta sa CHD o sa pinakamalapit na health center kung sila ay may tuberculosis o sintomas ng sakit.

Ayon sa alkade sa kaniyang Facebook post, “mga Batang Kankaloo, kaya po nating agapan ang sakit na TB. Kailangan lamang po na makipagtulungan kayo sa amin upang malunasan ito at mabigyan namin kayo ng karampatang patnubay para sa proteksyon ninyo at ng inyong pamilya.”

Photo: Mayor Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last