| Contact Us

Caloocan LGU naglunsad ng ‘Ugnayan’ para sa agarang tugon sa mga residente

Reggie Vizmanos July 30, 2023 at 03:44 PM

Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Caloocan ang programang “Mayor’s Hour: Ugnayan sa City Hall” upang personal na mapakinggan ng alkalde ng lungsod ang mga hiling at reklamo ng mga residente at mabigyan ito ng agarang aksyon.

Ayon kay Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pamamagitan ng ganitong hakbangin ay mas detalyadong nailalahad sa kaniya ng mga constituents ang kanilang saloobin, reklamo o kahilingan at mabilis naman itong tinutugunan ng kaniyang tanggapan.

“Ang Mayor’s Hour po ay dagdag pa sa nauna na nating programa na People’s Day para mas lalo pa nating mailapit ang serbisyong may aksyon at malasakit sa ating mga kababayan. Palagi pong bukas sa mga Batang Kankaloo ang aking tanggapan para magbigay ng agarang solusyon sa inyong mga hinaing,” saad ni Mayor Malapitan.

Ginanap ang aktibidad nitong Biyernes, Hulyo 28 sa lobby ng Caloocan City Hall – South.

Photo: Caloocan PIO

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 20 Last