Caloocan LGU umaksyon sa nadiskubreng expired na karne sa lungsod
Reggie Vizmanos August 2, 2023 at 04:10 PMPinuntahan at ininspeksyon ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan ang limang container vans na natuklasang naglalaman ng expired na karne at iba pang meat products sa bahagi ng C3 corner Tuna Street sa Barangay 28.
“Sa ating pag-iimbestiga, wala pong kahit anong permit ang nasabing lugar kung kaya’t inatasan po natin ang City Assessor‘s Office na alamin kung sino ang may-ari ng lote upang matunton natin kung sino ang nag-renta o nagmamay-ari ng mga container van,” sabi ng alkalde.
Pinasalamatan ni mayor ang City Veterinary Department (CVD), Caloocan City Police, Bureau of Customs, Department of Agriculture (DA), at National Meat Inspection Service (NMIS) na naging katuwang sa pagkadiskubre at pagkumpiska sa naturang mga karne.
Tiniyak din nila na idi-dispose nang maayos ang mga mga nasamsam na expired na produkto upang hindi na ito maging banta sa buhay at kalusugan.
Photo: Mayor Along Malapitan FB