Caloocan nasa mabuting pamamahala nina Mayor Malapitan at iba pang opisyal — Survey
Anna Hernandez November 12, 2024 at 09:21 PMCALOOCAN CITY — Napanatili ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang tiwala ng kaniyang constituents na kaya niyang pamunuan ang lungsod patungo sa pag-unlad.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS), kung saan 87% ng respondents ang nagsabing nasa tamang direksyon ang lungsod. 81% naman ang pumili kay Malapitan bilang mayor ng lungsod kumpara sa kanyang katunggaling si dating Senator Antonio Trillanes IV, na nakakuha ng 15%.
Samantala, ang mga incumbent city official na bahagi ng Team Aksyon at Malasakit ay nangunguna rin laban sa iba pang kandidato na sinasabing repleksyon ng pamumuno at mabuting halimbawa ng kanilang alkalde.
Nakakuha ang running mate ni Mayor Along na si incumbent Vice Mayor Karina Teh-Limsico ng 70 %, habang 20% naman ang napunta sa kandidatong si PJ Malonzo.
Lamang din sa laban ang mga kasalukuyang kongresista ng lungsod. Nakamit ni District 1 Representative Oca Malapitan ang 83%, habang 11% naman kay Rey Malonzo.
Sa ikalawang distrito, napunta sa kasalukuyang kongresista na si Mitch Cajayon-Uy ang 64%, habang si dating congressman Egay Erice ay may 33 %.
Sa District 3, nakuha ng kasalukuyang congressman na si Dean Asistio ang 94% kumpara sa 2% ng katunggali niyang si Edwin Feliciano.
Nagpapasalamat naman si Mayor Along Malapitan sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga taga- Caloocan.
Sa inilabas na pahayag ng Public Information Office, ipinaliwanag nila kung bakit nakakuha ng mataas na grado ang mga namumuno sa lungsod.
“Such high ratings are attributed to the satisfaction of Caloocan residents in the projects implemented by the city government, including free tuition in all levels, free health care services, excellent business and economic plans, and social justice programs.”
📷 Along Malapitan FB