| Contact Us

Caloocan police at Meralco paiigtingin ang pagsugpo sa nakawan ng kawad ng kuryente

Reggie Vizmanos September 4, 2023 at 08:40 AM

Nagkaisa ang Caloocan City Police Station at ang Meralco na paigtingin ang pagsugpo sa mga insidente ng pagnanakaw ng mga kawad ng kuryente sa lungsod.

Ito ay kasunod ng isinagawang dayalogo ng pulisya ng lungsod sa pangunguna ni Col. Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan at si Assistant Chief of Police Lt.Col. Enrique Torres at sa bahagi naman ng Meralco sa pangunguna ni Jeffry Cochon, Head ng Meralco Caloocan Business Center.

Sa naturang dayalogo ay idinulog ng Meralco ang tungkol sa nakawan ng mga kawad ng kuryente sa lungsod, at ang pangangailangan sa police visibility.

Ipinag-utos naman ni Col. Lacuesta ang pagpapalakas ng Ronda sa Barangay operations ng pulisya upang mapigil at masugpo ang pagnanakaw sa mga kawad ng kuryente at ang iba pang krimen sa lungsod.

Nag-donate naman ang Meralco ng tatlong units ng computer sa Caloocan City Police bilang pantulong sa kanilang mga gawain.

Photo: Caloocan City Police FB, One Meralco Foundation FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last