Community-based rehabilitation program ng Caloocan tinulungan ang 321 na dating drug user
Mike Manalaysay September 13, 2022 at 02:25 PM321 na dating gumagamit ng iligal na droga ang nadagdag sa bilang ng natulungan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan.
Dahil sa ipinapatupad na programang Community Assisted Rehabilitation and Research Outpatient Treatment and Training System ng Caloocan Anti-Drug Abuse Office, daan-daang biktima ng drug abuse ang nailigtas mula sa paggamit ng droga.
Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, walang puwang ang mga tulak sa Caloocan pero nais niyang tulungan ang mga biktima ng iligal na droga na makabalik bilang bahagi ng lungsod.
Ayon pa sa pahayag ng Caloocan Public Information Ofice, sumailalim ang 321 na beneficiary sa orientation para sa programang TUPAD.
Photo: Caloocan Public Information Office