COVID-19 vaccination sites sa Caloocan City, nadagdagan pa
Reign Benitez May 27, 2021 at 10:12 AMNagsisilbi na ring COVID-19 vaccination site ang Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City.
Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para sa mga residente ng South Caloocan na nais magpabakuna. Nakatakda itong tumanggap ng 400 slots kada araw.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pamununuan ng nasabing paaralan dahil malaking tulong ang karagdagang vaccination site sa lungsod.
Ayon sa alkalde, malaking tulong din ang pakikiisa ng mga pribadong sektor sa vaccination program ng lungsod at sa layuning maabot ang herd immunity.
Paalala ng lokal na pamahalaan sa mga magpapabakuna, tiyakin lamang na nakapag-profiling o registration na bago magtungo sa vaccination site. Hindi na rin kailangan pang maghintay ng text message para sa appointment.
Matatandaang kamakailan lamang ay ilang shopping malls sa lungsod ang ginamit na rin bilang vaccination sites ang SM Center Sangandaan, Zabarte Mall, at Metro Plaza.
Photo courtesy of Mayor Oca Malapitan Fb page