DPWH at San Miguel Corp. ipinatawag ng Caloocan mayor dahil sa matinding baha
Reggie Vizmanos August 2, 2023 at 04:21 PMIpinatawag ni Mayor Dale “Along” Malapitan ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng San Miguel Corporation (SMC) upang masolusyunan ang pagbabaha sa bahagi ng Quirino Highway sa lungsod kung saan ay may isinasagawang konstruksyon ng MRT 7.
National road ang Quirino Highway at nasa ilalim ito ng pamamahala ng DPWH, habang ang ginagawang MRT 7 naman sa lugar ay pinamamahalaan ng SMC.
“Hiningan po natin sila ng pansamantala at permanenteng solusyon sa pagbaha sa naturang lugar upang maibsan ang perwisyong naidudulot nito sa mga motorista at mga residente na naninirahan sa Amparo,” sabi ni Mayor Malapitan.
Kaugnay nito ay nagsagawa ng joint inspection ang DPWH, SMC at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan upang tingnan ang mga pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang pagbabaha sa naturang kalsada.
Dagdag pa ng alkalde, “Asahan niyo po na puspusan ang ating pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa kanila at tututukan natin ang problemang ito hanggang sa masolusyunan ang pagbaha sa Quirino Highway.
Photo: Mayor Along Malapitan FB