| Contact Us

Drug pusher at dentista, arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan

Paulo Gaborni July 11, 2023 at 04:36 PM

Nahuli sa akto ang isang pinaghihinalaang drug dealer at naaresto naman ang isang dentista dahil sa ilegal na baril at granada, sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Caloocan Police.

Drug pusher sa Caloocan, huli sa buy-bust operation
Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ng Caloocan ang isang lalaki na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operation. Ayon sa ulat, nahuli ang suspek na si Michael Magdaong, 59 taong gulang, dakong alas-tres ng umaga, noong Hulyo 9.

Nakuha mula sa kanya ang isang (1) medium at tatlong (3) large heat sealed sachet ng pinaghihinalaang shabu, 1 genuine na 500 peso bill kasama ang anim (6) na piraso ng isang libong marked money at isang (1) piraso ng pouch bag na kulay berde.

Ayon sa imbentaryo ng mga ebidensya, may kabuuang walumpung (80) gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P544,000 ang nakumpiska mula sa suspek.

Nahaharap si Magdaong sa mga kasong paglabag sa Article II Sec. 5 at 11 ng RA 9165.

Dentista inaresto dahil sa ilegal na armas
Nahuli ng pulisya ng Caloocan ang isang dentista nang salakayin ang kanyang bahay matapos mapag-alamang may tinatago siyang armas sa kanyang tinitirhan sa Barangay 187, Lungsod ng Caloocan.

Ayon sa ulat, nahuli ang dentista na si Prospero Oropesa, 59 anyos, at nakatira sa 434 Cherry Blossom St., Bo. Sto Nino, Brgy. 187, sa bisa ng isang search warrant na inilabas ng Caloocan Regional Trial Court (RTC).

Ayon pa sa ulat na isinumite kay BGen. Ponce Rogelio “Pojie” Penones, Jr., Northern Police District Director, humiling ng search warrant ang Northern CIDG sa hukuman matapos maiprisinta ang kanilang testigo na nagpatunay na may mga hindi lisensiyadong armas ang suspek.

Natagpuan sa bahay ni Oropesa ang isang MK2 granada, isang kalibre .45 pistol na may dalawang magazine at dalawang bala, at isang kalibre .9mm pistol na may dalawang magazine at pitong bala.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms ang Ammunition Act at R.A. 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Photo: Caloocan City Police Station

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last