Drug suspect arestado sa buy-bust operation sa Caloocan
Reign Benitez May 31, 2021 at 12:30 PMArestado ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng 6th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion National Capital Region (MFC RMFB, NCRPO) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RONCR) kahapon, May 30.
Nahuli ang suspek na kinilalang si Arnold Flores y Amora alyas “Pakyaw”, 41-taong gulang, sa bahagi ng Kaagapay Road, Barangay 188, Caloocan City.
Inaresto siya ng mga pulis matapos nilang makumpirma na nagbebenta diumano siya ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 at 30 piraso ng tig-P1,000 na buy-bust money ng mga otoridad.
Nakuha rin diumano mula sa kanya ang apat na sachet ng shabu na tinatayang aabot sa 75 gramo at nagkakahalaga diumano ng P510,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Photo from PIO NCRPO Facebook Page