Gusali sa Tandang Sora Integrated School sa Caloocan, natapos na. Konstruksyon ng building sa Maypajo Elementary School, nagpapatuloy
Ace Cruz July 15, 2021 at 04:03 AMNagpapatuloy ang pagpapatayo ng isang “bago at maayos na gusali” sa Maypajo Elementary School sa Lungsod ng Caloocan.
Sa isang post online, ipinakita ni Congressman Egay Erice ang konstruksyon ng isang gusali na magagamit kalaunan ng mga estudyante ng naturang paaralan.
Ang building na ginagawa sa Maypajo Elementary School ay binubuo ng apat na palapag at may labindalawang classroom.
Oras na maitayo ang naturang gusali, sinabi ni Congressman Erice na siguradong magagamit ito ng mga mag-aaral ng lungsod maging ang mga susunod pang henerasyon.
Nauna rito ay natapos na ring magawa ang isang gusali sa Tandang Sora Integrated School na binubuo naman ng apat na palapag at labindalawang classroom.
Ayon kay Congressman Erice, ang mga ipinatayong school building sa kanyang nasasakupang ikalawang distrito ay patunay lamang na napupunta sa maayos na programa ang pera ng taong bayan.
Pinuri naman ng mga residente ng lungsod ang iniulat na programa ng mambabatas.
Ayon kay Mary Barreda, nakakatuwa raw na nakikita niya na ang ibinabayad na buwis ay napupunta sa magagandang proyekto.
“Well done, may maayos na gusaling magagamit ang ating mga kababayan… its nice to see our tax working,” ayon kay Barreda.
Habang si Marianne Diaz naman ay nagpasalamat sa karagdang school building sa lungsod.
“Salamat sa panibagong school building,” ani Diaz.
Photo courtesy of Tandang Sora Integrated School Fb Page