| Contact Us

Ilang rice retailers sa Caloocan tumanggap ng ayuda; Bishop David kinondena ang bagong kaso ng pagpatay

Reggie Vizmanos September 10, 2023 at 04:13 PM

Kabilang ang ilang maliliit na rice retailers sa Maypajo public market sa Caloocan City sa unang batch ng mga tumanggap ng ayudang pinansyal na ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mga manininda na apektado ng ipinatupad na price ceiling sa bigas sa ilalim ng Executive Order (EO) 39.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang September 9 distribution ng tig-15,000 cash na Sustainable Livelihood – Cash Assistance for Micro Rice Retailers sa mga qualified beneficiaries.

Katuwang sa aktibidad ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at ang lokal na pamahalaan ng Caloocan.

Pinuri naman ni DILG Secretary Benhur Abalos ang Caloocan LGU dahil sa plano nito na bigyan ng diskwento sa renta sa public market ang mga rice retailers o kaya ay pansamantralang huwag muna silang singilin ng upa sa puweto.

Ang naturang distribusyon ay bahagi ng simultaneous payout sa Maypajo, Commonwealth Market sa Quezon City, at Agora Market sa San Juan City.

Samantala, kinondena ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang panibagong kaso ng pagpatay sa kaniyang pinagsisilbihang Diocese of Caloocan partikular sa lungsod ng Malabon.

Sa kanyang Facebook post, inihayag ng lider-simbahan ang kanyang pagkadismaya sa pagkakapatay sa 20-anyos na si Daniel Gaudia Soria nitong Setyembre.

“ANOTHER DUI (“death under investigation“) Whom will the citizens run to when no investigation is being done by those who are supposed to do the investigating? Who will do the investigating when the supposed investigators are those who need to be investigated?” sabi ni Bishop David.

Photo: DSWD at Bishop Pablo Virgilio David FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last