Ipinapatupad ngayon sa Caloocan – PinasLakas campaign, libreng x-ray at libreng anti-rabies vaccination sa mga hayup,
Mike Manalaysay September 20, 2022 at 04:54 PMNarito ang mga bagong anunsyo mula sa Caloocan Public Information Office (CPIO).
Patuloy sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar ang mobile x-ray clinic ng Caloocan City Health Department. Sa pagkakataong ito, mga residente ng Barangay 186 ang kanilang sinuri ang kalagayan. Ang proyektong ito ay bahagi ng anti-tuberculosis campaign ng lokal na pamahalaan ng Caloocan.
Wala ring humpay ang pagbabakuna sa lungsod bilang bahagi ng PinasLakas campaign. Ipinapatupad ang vaccination sa iba’t ibang site sa buong Caloocan. Hinihikayat ang lahat ng residente na magpabakuna o kumuha ng booster shot para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.
Libreng anti-rabies vaccination para mga alagang aso at pusa, tuloy tuloy pa rin.
Bumibisita pa rin sa iba’t ibang barangay ang Caloocan City Veterinary Services para magbigay ng libreng bakuna.
Narito naman ang paalala ng City Veterinary Services tungkol sa mga alagang hindi pwedeng bakunahan:
• tatlong (3) buwan gulang pababa
• nakakagat sa loob ng dalawang linggo
• buntis o nagpapasuso ng mga anak
• may sakit o naggagamot
Dalhin din ang vaccination card ng inyong mga alaga (kung mayroon).
Bawal paliguan sa loob ng isang linggo (7 days) ang mga nabakunahang hayop.”
Para sa iba pang detalye at anunsyo, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng CPIO.
Photos: Caloocan Public Information Office