| Contact Us

Karagdagang proteksyon sa mga guro at estudyante laban sa COVID-19

Ace Cruz September 12, 2021 at 08:38 AM

Isa sa prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang mabakunahan ang mga teacher at estudyante sa lungsod. Kaya sinimulan kamakailan ang vaccination program para sa mga faculty members at estudyante ng University of Caloocan City o UCC at Caloocan City North Medical Center o CCNMC.

Umabot sa 500 slots ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa UCC-EDSA campus at para sa South Caloocan faculty members at mga estudyante. Habang 300 slots naman sa CCNMC sa Camarin at Congress campus sa North Caloocan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na layon ng lokal na pamahalaan na ihanda ang mga faculty members at mga estudyante ng mga nabanggit na unibersidad na maging handa sakaling payagan na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga kolehiyo sa ating bansa na kamakailan ay pinatigil dahil sa banta ng COVID-19.

Photo courtesy of Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan Fb Page

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last