Karaniwang tanong sa abisong bawal ang paggamit ng paputok sa Caloocan
Mike Manalaysay December 31, 2022 at 06:41 PMMay katanungan ang ilang residente ng Caloocan sa inilabas na pahayag ng Mayor Along Malapitan Facebook page.
TANONG: BAWAL DIN BANG GUMAMIT NG MGA FOUNTAIN, LUSIS AT IBA PANG FIREWORKS?
Sagot: Pwedeng gumamit ng fountain, lusis at iba pang fireworks. Makikita ito sa inilabas na Executive Order ng alkalde noong December 26 o limang araw na ang nakakaraan. Nilinaw sa EO na ipinagbabawal ang firecracker at kung ano ang depinisyon nito.
“The use of any form of firecracker shall be banned within the City of Caloocan. For this purpose, a firecracker is defined as an explosive pyrotechnic device primarily designed to produce a large amount of noise, especially in the form of a loud bang such as a baby rocket, whistle bomb, bawang, pulling the string, El Diablo, Juda’s belt, Sky rocket and the like,” ayon sa Executive Order.
Ayon pa sa EO, pinapayagan ang pagggamit ng “permissible fireworks or pyrotechnic devices” sa mga itinalagang “Community Fireworks Display Zones/Areas” sa mga barangay.
Hinihikayat din ng naturang EO ang mga Punong Barangay na magtalaga ng mga Community Fireworks Display Zones/Area, at ipatupad ang kautusan tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng firecracker.
“All Punong Barangays are hereby urged to designate fireworks display zones/area in their respective locality. They are hereby directed to strictly enforce and monitor compliance with the firecracker ban, and closely supervise and monitor any fireworks display in the designated area,” ayon sa EO.
Ito naman ang abisong inilabas sa Mayor Along Malapitan FB page tungkol sa pagtatalaga ng community fireworks area noong December 26.
“Narito ang mga kinakailangang ipasa ng mga Barangay para sa Community Fireworks Area/Zone sa Office of the City Administrator tatlong (3) araw bago ang petsa ng pagpapaputok:
- Kabuuang address at paglalarawan sa lugar (designated area/zone)
- Petsa at oras kung kailan isasagawa ang fireworks display
- Mga plano upang matiyak ang seguridad, maayos na kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan sa nasabing aktibidad.”
Naglabas din ng pahayag ang Punong Lungsod tungkol sa apat na barangay na sumunod sa kautusan gaya ng Barangay 67, 176, 177, at 186. 188 ang kabuuang bilang ng barangay sa Lungsod ng Caloocan.
Dahil hindi kumpleto ang listahan, kailangan ding maitanong–
PAANO KUNG WALANG ITINALAGANG COMMUNITY FIREWORKS DISPLAY ZONE/AREA SA BARANGAY NAMIN?
Ito ang kailangang mabigyan ng linaw bago pa magsimula ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Photo: Mayor Along Malapitan FB page