Kim Velasco ng Barangay 178 itinanghal na Miss Caloocan 2024
Reggie Vizmanos March 3, 2024 at 06:44 PM
Itinanghal na Miss Caloocan 2024 si Bb. Kim Velasco ng Barangay 178 sa patimpalak na inorganisa ng lokal na pamahalaan at pangunahing itinaguyod ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Office.
Sa ginanap na Grand Coronation Night sa Caloocan Sports Complex ay mismong sina Mayor Along Malapitan at ang kaniyang maybahay na si Mrs. Aubrey Malapitan, na Chairperson ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council, ang nagputong ng korona at nag-abot ng mga premyo kay Kim.

Si Kim ay isang reservist sa Philippine Air Force, at ambassador ng Young Men’s Christian Association.
Adbokasiya niya ang pagsasagawa ng mga proyektong tumutugon sa mga lubhang pangangailangan sa mga komunidad tulad ng medical mission, dental mission, tree planting, at ang kaniyang personal na inaasikasong Educational Guidance (Gabay Aral) para sa mga kabataang salat sa pagkakataong makapag-aral.
Sabi ni Kim sa kaniyang Facebook post, “A dream doesn’t become a reality through Magic; it takes Sweat, Determination and Hardwork.” One of the things I’ve realized in this Journey. No words can describe or even enough, to say how grateful I am to all the people who supported me in this journey.”
Kabilang din sa mga pinarangalan ang mga sumusunod:
▪︎ First Runner-up Chielomia Serrano from Barangay 120
▪︎ Second Runner-up Ryanne Andrhea Simon from Barangay 143
▪︎ Third Runner-up Kairi Clemente from Barangay 186
▪︎ Fourth Runner-up Pia Alexa Aniciete from Barangay 156
Narito naman ang mga nanalo ng major awards:
▪︎ Best in Evening Gown No. 1 Chielomia Serrano
▪︎ Best in Filipiniana No. 15 Kim Velasco
▪︎ Best in Swimsuit No. 10 Jannah Garcia
▪︎ Best in Talent No. 16 Anna Alcantara
▪︎ Batang Kankaloo’s Choice Award No. 1 Chielomia Serrano
▪︎ Miss Photogenic No. 15 Kim Velasco
▪︎ Miss Congeniality No, 1 Chielomia Serrano
Nagwagi naman ng Corporate Choice Awards ang mga sumusunod:
▪︎ Miss Zelé No. 13 Pia Alexa Aniciete
▪︎ Miss i-Fern No, 1 Chielomia Serrano
▪︎ Miss Mestiza No. 15 Kim Velasco
Ayon kay Mayor Along Malapitan, “Matapos ang Grand Coronation Night ng Miss Caloocan 2024, buong-puso po ang ating pasasalamat sa mga katuwang nating sponsors para sa kanilang tulong at kontribusyon para sa nasabing patimpalak.”
Nagpaabot din ng mensahe ang mga ka-barangay ni Kim, “Ang buong Barangay 178 ay nagbubunyi para sa dalawang naging Kandidata bilang Miss Caloocan 2024 kay Mary Grace Azcueta at ang nag uwi ng korona para sa Barangay 178 ang Miss Caloocan 2024, Congrats sayo Kim Velasco. Maraming Salamat sa inyo dahil binitbit niyo ang karangalan para sa ating barangay 178. Ang pagbati ay mula sa buong Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Butihing Kapitana Editha Labasbas .”
📷: Caloocan Cultural Affairs and Tourism Office