Komunistang rebelde sumuko sa Bulacan PNP
Mon Lazaro July 11, 2023 at 10:44 PMCAMP ALEJO SANTOS, Lungsod ng MALOLOS — Isang rebeldeng komunista ang sumuko sa Bulacan Police nitong nakaraang araw ng Lunes.
Kinilala ni Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, ang rebel returnee na si alyas Ka Jun, 66 taong gulang, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan na nag-ooperate sa mga latian ng Bulacan, Bataan, Pampanga, at Zambales.
Ayon kay Lt.Col. Reyson Bagain, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), nahikayat ng pinagsanib na mga tauhan ng 1st PMFC, Bulacan Pecu, Bulacan PIU, 2nd PMFC, 301st MC RMFB, 24th SAC, 2SAB PNP SAF, at 70IB na mapasuko sa gobyerno si Ka Jun bandang 1:20 ng hapon sa Camp Alejo Santos.
Kasabay nito ang pagsuko ng kanyang hindi lisensyadong .38 kalibre na baril na walang serial number at limang bala nito.
Ang sumukong komunistang rebelde ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa custodial debriefing.
Photo: Bulacan Police Provincial Office