| Contact Us

Law violators arestado sa Caloocan

Reggie Vizmanos April 8, 2024 at 05:27 PM

Arestado ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang ilang lumabag sa batas gayundin sa ordinansa ng lungsod.

Kabilang sa mga hinuli ng pulisya ay isang lalaki na nanggugulo na may dalang sumpak at mga bala sa Robes-II, Barangay 175, Camarin.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station-11 ay mabilis na naaresto ang suspek at napigil ang kaniyang panggugulo sa lugar. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa pagronda naman ng mga tauhan ng Hillcrest Police Sub-Station 8 sa Camarin Road, Brgy. 172, ay tatlong suspek ang hinuli matapos na naaktuhan sa pot session o paggamit ng droga.

Arestado rin sa buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit (CCPS DEU) ang nagtangkang magbenta sa pulis na nagpanggap na buyer ng umaabot sa 13.96 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php 94,928.

Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, patong-patong na kaso ang kinakaharap ng isang 37-anyos na suspek na kinilalang si Zelester De Vera na una nang sinita ng mga tauhan ng CCPS Sub-Station 5 nang natiyempuhang umiihi sa pampublikong lugar.

Bigla umanong tumakbo patakas si De Vera at nang nasukol at kinapkapan ng mga pulis ay natuklasang may dala palang 8.5 na gramo ng hinihinalang shabu at isang .38 kalibre na baril na may tatlong pirasong bala.

Pinapurihan nina Caloocan City Mayor Along Malapitan at Northern Police District (NPD) Director Brigadier General Rizalito Gapas ang CCPS sa pamumuno ni Chief of Police Col. Ruben Lacuesta sa anila’y matagumpay na anti-criminality operations sa lungsod.

📷: Caloocan City Police Station FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last