| Contact Us

Libreng bigas at libreng swab test pinilahan sa Malabon

Cristine Cabanizas April 11, 2021 at 01:31 PM

Marami ang takot na magpatest sa COVID-19. Nag-aalala kasi ang mga tao na kapag nagpositibo sila sa coronavirus, obligado silang dalhin sa mga quarantine facility at nangangamba sila na walang pagkaing maiiwan sa kanilang pamilya.

Pero may naisip na solusyon sa problemang yan ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo- libreng bigas para sa mga magpapaswab test, at libreng pagkain sa loob ng dalawang linggo para sa mga magpopositibo sa COVID-19.

Nagustuhan ng mga tao ang solusyon na ito. Kaya naman pinilahan ang proyektong Swab Cab o libreng swab test ni VP Leni sa Lungsod ng Malabon.

Sa panayam kay VP Leni sa programang Headstart ni Karen Davila, sinabi niya na ang pamimigay ng bigas ang naging paraan para mahikayat ang mga residente na makiisa sa programa.

“Meron na kaming incentives, for every person na magpapa-swab, nagbibigay kami ng bigas,” ayon kay VP Leni.

Dagdag pa ng Bise Presidente, kung sakaling magpositibo ang nagpatest, bibigyan ang kanyang pamilya ng food pack na sapat para sa dalawang linggo.

“Sa nag-positive mas marami, it’s an entire package to assure the person who tested positive na may kakainin ‘yung pamilya niya habang nasa isolation center siya,” paliwanag pa ng Vice President.

Nakapanayam ng Arkipelago News ang ilang residente ng Malabon, ayon sa kanila, ligtas, mabilis at organisado ang proseso ng swab test.

“Organized ‘yung group, mababait ‘yung staff, approachable if mayroong questions at may freebies pa na carekit at bigas. It’s a good step in trying to control the situation, I think mas nakakahikayat siya ng tao lalo na at libre lang ito kaya pwede sa kahit sino may budget man o wala.”

Naglalaman ang care kit ng alcohol, face mask at face shield.

Nakita rin daw nina VP Leni na nababahala ang mga tao na pansamantalang manirahan sa mga isolation facility dahil baka hindi raw ito maayos at hindi komportable.

Kaya naman pinagsikapan din nilang mapabuti ang kondisyon at pasilidad ng isolation center.

Ibinahagi rin ng isa sa nagpositibo sa Covid-19 ang kanyang naging karanasan sa loob ng isolation facility

“Three times a day nagbibigay ng food. May daily temperature check at consultation. Maayos ang facilities na pinagdalhan sa amin. May mga tent ni VP Leni na may seperate talaga na space para sa ‘yo at may privacy. May electric fan pa at may sariling mga saksakan.”

Inulan ng papuri at hinangaan ang inisyatibong ito ni Vice President Robredo. Sa social media, marami ang nagpaabot ng kanilang paghanga at pasasalamat sa pagiging malikhain ng Bise Presidente sa paggawa ng paraan at paghahanap ng solusyon ngayong pandemya.

Ayon sa twitter post ni Vianca Castle, “#Letlenilead With that kind of incentives, mas marami pa makakapag-test everyday. It’s very hard to know you’re positive knowing that you will be isolated and all tapos nwnp (no work, no pay) pa, at least with these incentives it would help them survive.”

Pinuri rin ni Nico Quejano ang proyekto ni VP Leni, “Since marami ayaw magpatest kasi walang kakainin ang pamilya pag na-isolate, what they did eh if you tested positive, matic may 2-week provision yung pamilya mo habang isolated ka. Dahil may assurance, dami nagyon nagpa-test.

Dahil sa tagumpay ng proyektong Swab Cab sa Lungsod ng Malabon, pinagpaplanuhan na ring dalhin ito sa Lungsod ng Marikina.

Photo courtesy: VP Leni Robredo FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last