Libreng serbisyong pangkalusugan, pinangunahan ng CCMC sa Caloocan
Mike Lopez February 10, 2026 at 04:15 PM
Caloocan City — Nagsimula na ang paghahatid ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pangunguna ng Caloocan City Medical Center (CCMC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 64th Cityhood Anniversary ng lungsod, kahapon, Pebrero 9, 2026.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ay free tooth extraction, free x-ray, at free consultation and medicines.
Ang pagdiriwang ng Cityhood Anniversary ay tatagal ng isang buwan at layong maghatid ng mga programang kapaki-pakinabang para sa mga residente ng Caloocan.
Nagsimula ang selebrasyon noong Pebrero 4 at magtatapos sa Pebrero 27, na may nakapaloob na iba’t ibang aktibidad kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at iba pang programang panlipunan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na ilapit sa mamamayan ang serbisyong medikal at mapanatili ang kalusugan ng komunidad.
📷 Along Malapitan FB