Lima ang nasawi sa sunog sa Navotas
Mike Manalaysay November 15, 2022 at 02:51 PMAyon sa Bureau of Fire Protection (BFP), limang residente ang namatay sa sunog sa Cadorniga Street, Barangay Bagumbayan North (BBN), Navotas City noong Lunes, November 14.
Kinilalala ng BFP ang mga nasawi sa sunog na sina Ma. Theresa Lopez, 41; Asuncion Tongco Gonzales, 65; Diorella Gonzales, 18; isang batang two years old, at si Darlyn Baluyot, 18.
Nasugatan naman sina Carlos Olidan, 51 at Josefina Sarate. Nasa maayos na kondisyon na sila ngayon.
Ayon pa BFP, 441 na pamilya ang nawalan ng tirahan. Nasunog din ang ilang bahay sa Monroy Street, Barangay Navotas West. Umabot ang sunog sa ikalimang alarma bandang alas-sais ng gabi. Nakontrol ang sunog bandang 8:29 pm, at ganap na naapula pagsapit ng 9:22 pm.
Sa paunang imbestigasyon ng BFP, nagsimula diumano ang sunog sa bahay ni Leticia Tagle sa Cadorniga Street, Barangay Bagumbayan North dakong 3:00 pm.
Photo: John Anthony Ponce Nagales