Mahigit P25 milyong halaga ng shabu nahuli sa Caloocan drug bust
Arkipelago News May 29, 2023 at 09:24 PMP25.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Caloocan City police sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 160 nitong Sabado, May 27.
Naaresto sa operasyon ang dalawang suspek na kinilalang sina Edgardo Vargas, 42 taong gulang at Lenard Buenaventura, 20 taong gulang.
Ayon pa sa pulisya, may timbang na humigit kumulang 3,800 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P25,840,000 ang hinihinalang shabu.
Nahuli din umano sa mga suspek ang isang kalibre 32 na baril, mga bala at magazine. Kasalukuyan silang nakakulong sa Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Photo: NCRPO website