| Contact Us

Maynilad nag-anunsyo ng 5-oras na water interruption sa ilang kabahayan sa Caloocan sa Abril 3-4

Reggie Vizmanos April 2, 2024 at 04:21 PM

Inanunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. na makararanas ng limang oras na water interruption o pansamantalang pagkaantala ng supply ng tubig sa ilang kabahayan sa Caloocan sa darating na Abril 3 hanggang Abril 4.

Ayon sa Maynilad, ito ay dahil sa gagawin nilang scheduled maintenance activity sa lugar bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na ibayong mapalakas ang serbisyo nila ng pagsu-supply ng tubig sa West Zone.

Sinabi ng kumpanya na magsasagawa sila ng interconnection activity at installation ng tee fitting para sa tapping ng bagong primary at secondary lines sa bahagi ng P. Dela Cruz sa Barangay 166 mula alas-11 ng gabi sa Abril 3 hanggang alas-4 ng umaga sa Abril 4.

Tiniyak naman ng Maynilad na mayroon silang naka-standby na tankers na handang magrasyon ng tubig sa mga apektadong lugar kung kakailanganin.

Pinayuhan na rin nito ang mga residente sa apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig bago sumapit ang nasabing petsa.

Inabisuhan din ng kumpanya ang mga residente na kapag bumalik na ang supply ng tubig sa kanilang mga gripo ay dapat hayaan munang umagos ito ng ilang segundo upang maging clear o malinis na ang dumadaloy na tubig.

📷: Maynilad website

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last