Mayor Along Malapitan, nanguna sa survey sa Caloocan
Anna Hernandez November 4, 2024 at 09:46 PMCALOOCAN CITY, Metro Manila — Si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lumutang na mas napupusuan ng mayorya ng mga residente ng lungsod bilang local chief executive para sa 2025 Local Elections. Batay ito sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) para sa buwan ng Oktubre.
Isinagawa ang nasabing survey pagkatapos ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga lokal na opisyal.
Overwhelming o 81 porsyento ng mga residente ng Caloocan ang piniling mahalal muli si Malapitan para mayor ng lungsod habang ang katunggali niyang si dating senador Antonio Trillanes IV ay nakakuha ng 15 porsyento.
Kabilang sa pinuri ng mga residente ng Caloocan ang mga proyektong tulad ng mega infrastructure, streetlighting, libreng health services, libreng edukasyon, at mahusay na pagtugon sa kalamidad lalo na sa pagtama ng mga bagyong Carina, Enteng, at Kristine.
Kamakailan lang ay kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) dahil sa ipinapatupad nitong “business-friendly initiatives.”
“We recognize the commendable efforts of Mayor Along to support the business community in the city, driven by his exemplary leadership and valuism. The Caloocan chapter of the PCCI pledges its full support in the city’s effort to be recognized as the most business-friendly LGU,” pahayag ni Oliver Uy, Pangulo ng PCCI-Caloocan.
Pinarangalan naman ng Department of Finance (DOF) ang lungsod bilang ika-8 Highly-Urbanized City (HUC) na namumukod-tangi sa paglago ng mga local source revenue sa bansa.
Ipinagkaloob din ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Seal of eBoss Compliance dahil sa pagpapatupad ng fully-automated na Business One Stop Shop sa lungsod.
📷 Along Malapitan FB