Mga batang Caloocan na nanalo sa Palarong Pambansa ipinagbunyi ng LGU, mga paaralan
Reggie Vizmanos September 13, 2023 at 06:04 PMIpinagbunyi at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan at ng kani-kanilang mga paaralan ang mga batang Caloocan na nagwagi sa iba’t-ibang sports competitions sa ginanap na Palarong Pambansa 2023 kamakailan.
Ayon kay Mayor Dale “Along” Malapitan, “Kinilala po natin ang mga Batang Kankaloo na nag-uwi ng karangalan sa lungsod ng Caloocan sa ginanap na Palarong Pambansa 2023 noong July 29 hanggang August 5 sa Makati City. Malugod kong binabati sina:
- Phil Martin Casiguran 2 Gold, 1 Silver Chess (Elementary Level-Boys)
- Felicity Jana Castel 1 Gold Taekwondo (Secondary Level-Girls)
- Daneille Amor Dinoro 1 Silver Taekwondo (Elementary Level-Girls)
- Louis Andrei Lim 1 Silver Taekwondo (Elementary Level-Boys)
- Alexie John Niebres 1 Silver Athletics (Elementary Level-Boys)
- Jewel Kylie Canillo 1 Bronze Table Tennis (Elementary Level-Girls)
- Catherine Galvez 1 Gold Larong Pinoy – Patintero (Personnel/Chaperones)”
Mainit na binati rin ng St. Joseph College of Novaliches, Inc. (Caloocan) ang kanilang mga estudyante na kalahok at nagwagi sa Palaro sa pangunguna nina Phil Martin (Chess), Louis Andrei (Taekwondo) at Juliana Lane Lagula (Swimming).
Ayon naman sa Immaculada Concepcion College (ICC) sa kanilang Fb post, “Jewel Canillo, a grade 7 student… together with 10 other Caloocan City athletes, were recognized by the Office of the Mayor for representing Caloocan in… Palarong Pambansa… She was accompanied by Sports and Activity Coordinator Ms. Marie Cris T. Macasaet. Canillo made Caloocan and the ICC community proud when she earned a bronze medal in the Table Tennis Doubles category for girls…”
Sabi naman ng North Private Schools Association of Caloocan (NPSAC), “Congratulations, Dane Dinoro!
Palarong Pambansa 2023 Taekwondo Silver Medalist.”
Post din ng Coach King Swimming School – Caloocan Swim Club Supremos, “Thank you lord and welcome back after 1 week of no training Jhoey Gallardo. Palarong Pambansa 2023 medalist…”
Dagdag naman ng Escuela de Sophia of Caloocan, Inc., “Palarong Pambansa 2023 Taekwondo Elementary Girls Division Silver Medalist… Daneille Amor P. Dinoro. Congratulations!”
Pinasalamatan din ni Mayor Malapitan ang Caloocan Schools Division Office (SDO) at Caloocan Sports Development and Recreation Office sa pagtataguyod ng mga ito sa pagsasanay ng mga atleta.
Photo: ICC FB, Mayor Along Malapitan FB