Mga kabataan na gumagala sa Sangandaan Cemetery nailigtas
Arkipelago News August 18, 2022 at 03:55 PMNailigtas ang dalawampu’t tatlong indibidwal sa isinagawang reach-out operation ng Caloocan City Social Welfare Development Department (CCSWDD) sa Sangandaan Cemetery at sa kalapit na creek. Pagala-gala umano sila sa naturang sementeryo.
Ayon sa CCSWDD, pinakain nila ang mga nailigtas at inihatid ang ilan sa kani-kanilang lungsod. Ang mga menor de edad naman ay naibalik din sa kanilang mga magulang.
Ayon sa mga naninirahan malapit sa sementeryo, nakakaawa ang kalagayan ng mga nailigtas na karamihan ay kabataan dahil madalas daw silang nakikitang may sinisinghot mula sa isang plastic. Matagal na umanong problema ito sa kanilang lugar. Tuloy-tuloy naman daw ang rescue operation at pagtulong sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan pero pabalik-balik lang din ang mga kabataan.
Photo: Along Malapitan Fb page