Mga lugar sa Caloocan North na binaha dahil sa bagyong Egay
Paulo Gaborni July 30, 2023 at 12:02 AMDahil sa tatlong araw na walang tigil na ulan dulot ng bagong Egay, nagmistulang ilog ang parte ng Quirino highway sa may Gate 2 ng Amparo, sa Caloocan City North.
Ayon sa Facebook post ni Von Javier, ang dahilan ng pagbaha sa Amparo ay dahil sa nabarahan ng mga malalaking poste ng kuryente ang drainage system ng lugar.
Tanging mga malalaking sasakyan tulad ng bus at truck ang nakakalusot sa baha. Hindi naman makadaan ang mga maliliit na sasakyan tulad ng motorsiklo. Nag-aatrasan silang dumaan sa lugar.
Nagpadala si Congresman Dean Asistio ng mga manggagawa na kawani ng DPWH para maresolba ang problemang baha sa nasabing lugar.
Pinaalalahanan naman ang mga biyahero mula sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte sa mabagal na daloy ng trapiko dahil sa baha.
Samantala, tumataas na rin ang tubig baha sa Barugo, Phase 4, Bagong Silang, Caloocan.
Ayon sa Facebook post ni Romy Canalin, hindi na makatawid ang mga motorsiklo dahil sa lampas tuhod na baha.
Sa Bagumbong, Barangay 171, problema rin ang pagbaha na nagdulot ng malaking abala sa mga motorista at residente.
Ayon sa Facebook post ni JC Casenares, baha na sa tapat ng Caloocan sports complex at umabot hanggang sa gate ng Evergreen Subdivision.
“Dati-rati ay Hindi nmn po Ganyan Jan pero ngaun po ay nagiging ilog na po,” ayon sa post ni Casenares.
“Sana po magawan ng paraan kpg gumanda na po ung panahon,” dagdag pa niya.
Photo: Romy Canalin (Barugo, Bagong Silang)