| Contact Us

Mga nasunugan sa Barangay 9 sa Caloocan nangangailangan ng tulong

Reggie Vizmanos October 6, 2023 at 03:58 PM

Nangangailangan ng tulong ang mga naninirahan sa Barangay 9 sa Lungsod ng Caloocan na nasunugan noong Lunes, Oktubre 2. Nasa limampung (50) kabahayan ang naapektuhan ng sunog.

Ayon kay Barangay Captain Leandro Binuya, marami na ang nagbigay ng tulong para sa mga nasunugan pero marami pa ring kailangan lalo na para sa muli nilang pagbangon sa buhay.

Sa kaniyang Facebook account, inihayag ni Kapitan Binuya ang sinapit ng kaniyang mga kabarangay kasabay ng pag-post din niya ng mga larawan ng sunog.

“Ito ang sinapit ng mga kabarangay ko sa naganap na sunog sa p.burgos brgy9 ubos lahat ang kanilang kabuhayan walang naligtas pasalamat nalang sa panginoon at walang nasaktan.kaya nanawagan po ako sa gustong tumulong puede ninyo dalin dito sa brgy o gcash ninyo 09297960172 maraming salamat po.”

Tuloy-tuloy ang naging pagbibigay sa kanila ng tulong mula sa mga indibidwal, pamilya at grupo. Laking pasasalamat naman ni Kap Binuya sa bawat isang nagbibigay ng tulong.

“Sa may mabubuting loob na gusto tumulong sa mga biktima ng sunog dito sa brgy9 kong maari ay idaan o ipaalam sa brgy ang inyong tulong para maiwasan ang mga mapagsamantalang tao.at maibigay sa talagang biktima ng sunog,” sabi niya.

Sa isa pa niyang Facebook post, sinabi niyang hindi na mga damit ang kailangan ng mga nasunugan.

“Sa mga gustong tumulong sa mga ka barangay ko na biktima ng sunog marami na pong mga damit ang naibigay para sa kanila kakapalan kona mukha ko kailangan nila ay mga materyales para sa pagpapatayo ng kanilang mga nasunog na bahay o puede narin cash pa gcash sa no.09297960172.”

Nanawagan din ng tulong para sa mga nasunugan ang iba’t ibang grupo.

Isa rito ay ang Ministry of Altar Servers – San Roque Cathedral.

Sa kanilang Facebook post, sinabi nila ang mga sumusunod:

“Nakaraang ika-2 ng Oktubre, isang sunog ang tumupok sa mga kabahayan sa Padre Burgos St, Brgy 9, Caloocan City.

Kasama sa mga naapektuhan nito ay dalawang miyembro ng Ministry of Altar Servers – sina Kenneth Bien Mamaril at Kiervin Mamaril.

Kami ay kumakatok sa inyong mga puso upang makapagbigay ng tulong (pinansyal at in-kind) sa pamilya nila Kenneth at Kiervin!

Maaaring magpahatid ng tulong sa pamamagitan ng mga channels na ito:

Gcash: 09388639099

Name: Kenneth Mamaril

BPI: 9659092325

Para sa mga donasyong pagkain at damit, mangyari lamang na magtungo sa San Roque Cathedral Parish Pastoral Center sa ika-5 ng hapon, Sabado.”

Nanawagan din ng tulong para sa mga nasunugan ang grupong Tinig ng Silangan, Inc. sa pakikipag-ugnayan nito sa UE-Caloocan Central Student Council.

“Nitong nakaraan ay nagkaroon ng sunog malapit sa kahabaan ng 10th Avenue sa Barangay 9, Caloocan City. Apektado ang aabot sa 50 na bahay at maraming pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan at kagamitan. Ang Tinig ng Silangan, Inc. ay kumakatok sa inyong mga puso upang makapag-abot ng tulong sa mga naging biktima ng insidenteng ito. Maaaring ipadala ang mga donasyon sa sumusunod na accounts:

POL MOISES GREGORY CLAMOR

GCash / Maya: Maaaring gamitin ang QR Code sa ibaba

Metrobank:

174-3-174-22536-3

Unionbank:

1093-2151-3771

Para sa mga in-kind na donasyon, magtungo lamang sa page ng Office of the UE-Caloocan Central Student Council para sa karagdagang impormasyon.

Hinihikayat din ang mga donasyon tulad ng dog food at cat food para sa mga biktimang alagang hayop.

Sinisigurong ang inyong tulong ay direktang makakarating sa mga nangangailangan. Maraming salamat!”

Photo: Barangay Captain Leandro Binuya, Emelie Mejia

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last