| Contact Us

Mga serbisyo at aktibidad para sa kababaihan sa Caloocan nagpapatuloy

Reggie Vizmanos March 12, 2024 at 07:25 PM

Tuloy-tuloy ang pagdaraos ng mga aktibidad at serbisyo para sa mga kababaihan sa Caloocan bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Naglunsad ang Caloocan City Gender and Development Resource and Coordinating Office (CCGADRCO) ng serye ng tatlong talakayan o advocacy forums tungkol sa Women Empowerment.

Una sa serye ay pinamagatang Building Financial Independence for Women through Financial Literacy na naglalayong imulat at turuan ang kababaihan hinggil sa pangangasiwa ng pera, pagtitipid o pagtatabi ng pera, at pagpapalago ng pera.

Sa naturang talakayan na ginanap sa Bulwagang Katipunan ng Caloocan City Hall (Main) ay dumalo ang 92 kinatawan mula sa persons with disabilities (PWDs), Senior Citizens, Solo Parents, at mga babaeng kawani ng lokal na pamahalaan.

Inimbitahang tagapagsalita si Bb. Ameena Rey-Franc, Founder ng Thrifty Pinay Blog. Tinalakay niya ang kahalagahan ng pagpupundar ng tinatawag na personal wealth at pag-abot ng financial goals and security o pang-pinansyal na pangarap at seguridad.

Samantala, naghandog ang Caloocan City Medical Center (CCMC) ng mga libreng serbisyong medikal na pangkababaihan.

Sinimulan ito ng Pre-natal Yoga, March 11. Kasunod naman ay maternity shoot, March 12. Yoga class for non-pregnant, March 13. Clinic, pap smear at breast exam, March 14. At Breast at Cervical Cancer awareness, March 15.

Ipinatupad ng LGU para sa libreng serbisyo ang polisiyang first come, first served basis upang matiyak ang kaayusan sa nasabing aktibidad.

Kaugnay pa rin nito ay naglunsad ng Annual Family Update (AFU) sa lungsod ang Save the Children Philippines katuwang ang City Health Department (CHD) at namahagi ng iba-ibang mga serbisyong pang- nutrisyon at pang-kalusugan para sa mga dumalong nasa 181 bata.

Nagsagawa sila ng Nutrition Booth sa pangunguna ng mga Nutritionist-Dietitians at mga Barangay Nutrition Scholars. Nagdaos din ng talakayan tungkol sa Helminthiasis o worm infection na lubhang nakaaapekto sa kalusugan.

Namigay rin sila ng mga Vitamin A at Deworming tablets sa mga bata.

📷: CCGADRCO FB, Along Malapitan FB, Caloocan City Nutrition Committee FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last