| Contact Us

Most wanted sa kasong rape, nahuli ng pulisya ng Caloocan

Paulo Gaborni August 25, 2023 at 11:26 AM

Naaresto sa ikinasang manhunt operation ng Caloocan City Police ang most wanted sa kasong rape sa lungsod nitong Agosto 23.

Kinilala ng pulisya ang nahuing suspek na si Samuel Alojado Jr., 32 anyos, isang security guard, at kasalukuyang nakatira sa Barangay 88, Caloocan City.

Nahaharap si Alojado sa kasong Rape under Art. 266-A, Acts of Lasciviousness, at wala itong piyansang inirekomenda.

Samantala, sa isa pang operasyon na isinagawa ng Caloocan Police, tatlong lalaki ang nahuli habang naglalaro ng Cara y Cruz.

Naaresto ang tatlong lalaki sa akto ng pagsusugal ng mga nagpapatrulyang pulis sa Barangay 144, Bagong Barrio, Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nahuli na sina Robert Quiambao, 53; Rodel Grospe, 53; at Harvey Panday, 19.

Nakumpiska mula sa mga naaresto ang dalawang daan at apatnapung piso na “bet money” na binubuo ng apat (4) na piraso ng 50 peso bill at walong piraso ng 5 peso coin, kasama ang tatlong (3) piraso ng one peso coin na ginamit sa nasabing laro.

Kakasuhan sila ng paglabag sa PD 1602 o ilegal na pagsusugal.

Photo: Caloocan City Police Station

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last