| Contact Us

Negosyo package handog ng SK sa Barangay Bulihan, Lungsod ng Malolos

Mary Jessa C. Fajardo May 13, 2021 at 07:21 AM

Maraming kumpanya at negosyo ang nagsara mula nang pumutok ang pandemya isang taon na ang nakalilipas. Marami ang nawalan ng trabaho at nagresulta ito sa kagutuman at paghihirap ng maraming pamilya.

Dahil dito, nakaisip ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Bulihan, Lungsod ng Malolos, ng isang programa na naglalayong mabigyan ng bagong simula ang kanilang mga kabarangay.

Pinamagatan nila itong “Wish Ko Lang kay SK,” na ang konsepto ay nagmula sa sikat na programang Wish Ko Lang sa GMA 7. Katulad sa tv program, kailangan ding magpadala ng sulat ang mga residente ng Barangay Bulihan na naglalahad ng kanilang kahilingan o wish sa buhay.

Sa proyekto naman ng SK Bulihan, ang mapipili nilang letter sender ay mabibigyan ng negosyo package.

“Ang main goal ng programang Wish Ko Lang Kay SK ay magkakaroon ng pang-tustos sa araw-araw na gastos ang aming mga mapipiling beneficiaries- prayoridad ang mas higit na nangangailangan. Nais lang ng SK na huwag mawalan ng pag-asa ang bawat isa,” paliwanag ni Councilor Patrick Dela Cruz, SK President ng SK Federation of Malolos.

Pang-negosyo raw ang kanilang naisip na ipapremyo imbis na pera na mabilis lang daw nauubos.

“Napili na hindi cash ang ipamigay dahil nais namin na makita o magkaroon ng bunga ang programang ito. Dahil ang Wish Ko Lang Kay SK ay programang pang-matagalan,” dagdag pa ng konsehal.

Labing-anim na residente mula sa iba’t ibang sitio ng Barangay Bulihan ang mananalo ng Negosyo Package sa nasabing programa.

Ayon kay Councilor Patrick, may apat na klase ng negosyo package na ipamimigay:

Set 1 – Fishball food stall (streetfood and equipment are included)

Set 2 – Burger food stall (food and equipment are included)

Set 3 – Siomai food stall (food and equipment are included)

Set 4 – Sari-sari store package

“Ang Negosyo Package na ito ay magsisilbing puhunan o panimula sa mga mapipiling beneficiaries,” dagdag ng pa ng konsehal.

Nagsimula na silang tumanggap ng sulat noong May 7. Iaanunsiyo raw nila ang mga mapipiling benepisyaryo sa May 15, ang mismong araw ng pista ng barangay.

Ang Wish Ko Lang kay SK ay isa rin sa mga programang handog ng mga opisyal ng SK para sa kapistahan ng Barangay Bulihan.

“Kasabay rin nito ang Tutok To Win na kung saan mamimigay ang SK ng iba’t ibang papremyo gaya ng cash, kilos of rice, groceries, and home appliances sa mga residente ng Barangay Bulihan,” ayon pa kay Councilor Patrick.

Photo courtesy of SK Barangay Bulihan

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last