Ngayong Linggo sa Caloocan
Reggie Vizmanos November 26, 2023 at 07:54 PM
Pinangunahan ng anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares ang pagbibigay ng pansamantalang pagkakakitaan ang 294 unemployed/underemployed na residente ng Caloocan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa mga Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD program.
Ayon sa Facebook post ni Brian, “Malapit na ang Pasko at importante na may kikitain tayo para sa paghahanda ng Noche Buena. Mula sa Opisina ni Sen. Grace Poe, maraming salamat po sa lahat ng mga naging daan para magkaroon ng hanapbuhay ang halos 300 kababayan natin sa Caloocan ngayong Kapaskuhan.
Congressman Oscar “OCA” Malapitan, Mayor Along Malapitan, Councilor Enteng Malapitan. #TatakFPJ.”
Nangasiwa sa aktibidad ang Department of Labor and Employment sa pangunguna ni DOLE-CAMANAVA Director Rowena Grande at Caloocan Public Employment Service Office Head Violeta Gonzales.
Sabi ni Congressman Oca Malapitan, “Nagpapasalamat tayo kay Senator Grace Poe at sa kaniyang anak na si Brian, gayundin sa DOLE, para sa kanilang pagpapaabot ng tulong para sa ating mga kababayang walang pagkakakitaan.”
Samatala, isinulong ng Caloocan City Gender and Development Resource and Coordinating Office (CGADRCO) at ng Philippine Commission on Women (PCW) ang pagpapalakas ng mga aksyon para masugpo ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 10398 (An Act declaring November 25 of every year as the National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children) at Proclamation No. 1172, s. 2006 (Declaring November 25 to December 12 of every year as the “18-day campaign to end violence against women)”.
Ayon sa CGADRCO, “It still remains a long fight but we will not stop working collectively to combat and put an end to violence directed toward women and children by raising awareness that violence shall not exist in a just and impartial society.” (Mahaba pa ang laban, pero hindi tayo titigil sa sama-samang pagkilos upang labanan at wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata, sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan na ang karahasan ay hindi iiral sa lipunang makatarungan at walang kinikilingan).
Sa iba pang balita, maagang sinimulan ng Caloocan Health Department – Health Education and Promotion Unit (CHD-HEPU) ang kampanyang “Iwas Paputok: Music Lang Sapat Na!” na humihikayat sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon at sa halip ay magpatugtog na lang ng musika upang makaiwas sa sakuna.
Pinamunuan ito ni Caloocan Health Department OIC Dr. Evelyn Ong-Cuevas, katuwang ang Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), at sa pakikiisa ng mga opisyal at kawani ng lahat ng 188 barangay sa lungsod.
Tinalakay naman nina Dr. Leo Kevin Mante, Disaster Risk Reduction Management-Health Co-Coordinator at Police Lieutenant Jherico Pascual ang mga paksang “Firecraker related Injuries & Disaster Response” at “Illegal Firecrackers and Responsible Gun Ownership.”
Samanyala, arestado ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang Most Wanted Person sa kasong kidnapping.
Kinilala ni CCPS Chief PCol. Ruben Lacuesta ang akusado na si Alyas Michael, 48 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay 176, Bagong Silang.
Si Alyas Michael ay may warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130 para sa kasong Kidnapping of Minor (with Ransom) na nakasaad sa R.A. 7610 at Article 267 ng Revised Penal Code.
Ang manhunt operation na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado ay pinangunahan nina PMajor John David Chua at PCaptain Ronald Allan Soriano kasama si PMajor John Stephanie Gammad ng NCR Maritime Police Station.
Photo: Brian Poe Llamanzares FB, CCGADRCO FB, Caloocan Health Department FB, NPD PIO FB.