| Contact Us

No classes sa University of Santo Tomas

Mike Manalaysay April 5, 2021 at 08:01 AM

University of Santo Tomas nagdesisyong suspendihin pansamantala ang kanilang mga online class pati na ang mga trabaho sa kanilang mga opisina. Ayon sa inilabas nilang Advisory, minabuti nilang gawin ito para matutukan ng mga teacher at empleyado ang kanilang kalusugan at pamilya sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sinuspinde ng UST ang mga klase at office work hanggang sa April 11, 2021.

Nauna nang napaulat sa The Varsitarian, opisyal na pahayagan ng unibersidad, na humiling ang UST Faculty Union ng “academic freeze” hanggang April 11 dahil sa mabilis na pagdami ng mga kaso ng coronavirus at ang extension ng enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last