Outstanding Citizens Awards ipinagkaloob sa ika-61 Cityhood anniversary ng Caloocan
Kate Papina February 19, 2023 at 04:11 PMKasabay ng pagdiriwang ng ika-61 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan, idinaos din ang 2023 AM Night: Outstanding Citizens Awards noong February 17. Binigyan ng pagkilala at pinarangalan ang mga natatanging indibidwal at organisasyon na naging katuwang ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan sa pagpapaunlad ng lungsod. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang iba’t-ibang personalidad, organisasyon at mga naglilingkod sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.
Pinangunahan ni Mayor Dale “Along” Malapitan ang gabi ng parangal at pasasalamat. Ayon sa Punong Lungsod, kasama sa mga dahilan ng pagsulong ng Caloocan ang ibinahaging talento, husay at kasipagan ng mga mamamayan.
“Hangad natin na ang mga parangal na ito ay maging inspirasyon upang ang mga mamamayan ay patuloy na magpunyagi sa kanilang mga larangan,” pahayag ni Mayor Malapitan.
Kabilang sa pinarangalan si Dr. Susana V. Caseria bilang Most Outstanding Health Worker sa Caloocan. 33 years na siyang naglilingkod sa North Caloocan at sa kasalukuyan ay 25 years na siyang nagbibigay ng serbisyo sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.
Nagtamo rin ng special award si Allen James Sanchez para sa Visual-Digital Technology dahil sa kaniyang husay sa paglikha ng biswal at digital na sining. Kabilang sa mga likha niya ang Rotary PSA Festival 2022 at PCWORX #FlexYourMicrosoft Video Making Contest na nakasungkit ng Grand Winner at Best in Animation. Nagkamit din siya ng pangatlong gantimpala sa IEC on Promoting Drug Free and Healthy Lifestyles for the Youth, at nanguna siya sa GoodGovPh Simulan Na’tin 2022 Video Making Contest.
Ginawaran naman ng Centenary Award ang mga residente ng Caloocan na 100 years old at higit pa ang edad.
Photo: Councilor Topet Adalem FB Page