Paghahanda para sa mapayapa at maayos na Semana Santa 2026, tinalakay sa Plaridel
Angelo Calixtro March 10, 2026 at 05:53 PM
PLARIDEL, BULACAN — Nagsagawa ng pagpupulong ang mga kaukulang ahensya at organisasyon sa Bulwagan ng Parokya Santiago Apostol bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa 2026 sa bayan ng Plaridel.
Layunin ng pulong na matiyak ang maayos, ligtas, at makabuluhang pagdiriwang ng Mahal na Araw para sa mga residente at debotong makikibahagi sa mga gawaing pangrelihiyon sa bayan.
Kabilang sa mga dumalo at nakipag-ugnayan sa naturang pagpupulong ang Pamahalaang Bayan ng Plaridel, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Knights of Columbus, Santiago Apostol Parish Pastoral Council (SPPC), at Cofradia de los Camareros de Santiago Apostol.
Sa pulong, tinalakay ang mga plano, koordinasyon, at mga hakbang sa seguridad para sa mga aktibidad at prusisyon na gaganapin sa mga darating na araw ng Semana Santa.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng simbahan, pamahalaan, at mga volunteer groups, layunin ng mga organizers na matiyak ang isang maayos, ligtas, at taimtim na paggunita ng Semana Santa para sa buong komunidad ng Plaridel.
📷 Jocell Vistan FB