| Contact Us

Pamamahagi ng bagong SAP sa Caloocan

Ace Cruz July 24, 2021 at 07:26 PM

Natanggap na ng ilang residente ng Lungsod ng Caloocan ang kanilang cash assistance na bahagi ng Social Amelioration Program o SAP mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, ang mga residente ng lungsod na nakatanggap ng cash assistance ay iyong mga benepisyaryong napabilang ang pangalan sa second month at waitlisted.

Kabilang sa mga nakatanggap ng cash assistance sa pamamagitan ng manual payout nang muling pasimulan ito ay ilang senior citizen at iba pang residente ng lungsod.

Ipinaalala naman ng lokal na pamahalaan na ang listahan ng mga benepisyaryo ng naturang cash aid ay ibinibigay lamang sa kanila ng pamunuan ng DSWD.

Ibig sabihin, ayon sa abiso ng lungsod, ang mga pangalang napabilang sa cash assistance na ito ay iyong mga ‘unsuccessful’ at hindi nakuhang ayuda sa Gcash at Starpay noong unang bigayan nito.

Samantala, sa mga hindi pa nakakatanggap ng naturang ayuda may inilabas muling schedule ang lokal na pamahalaan para sa payout nito.

Kung may katanungan tungkol sa cash assistance maaari raw makipag-ugnayan at tumawag sa mga numerong inilaan ng lokal na pamahalaan at DSWD sa kada barangay sa lungsod.

Photo courtesy of Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan Fb Page

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last