Pamamahagi ng local pension sa mga senior citizen sa Pandi, sinimulan na
Angelo Calixtro March 17, 2026 at 11:57 PM
PANDI, BULACAN — Sinimulan na ngayong araw ng pamahalaang bayan ng Pandi ang pamamahagi ng local pension para sa mga senior citizen mula sa mga barangay ng Poblacion, Bakabakahan, at San Roque.
Ayon sa mga opisyal, malaking tulong ang naturang pensyon upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo, kabilang ang pambili ng gamot, pagkain, at iba pang gastusin sa bahay.
Binigyang-diin din ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaruga at pagpapahalaga sa mga lolo at lola, na kinikilalang mahalagang bahagi ng komunidad.
Magpapatuloy ang pamamahagi bukas para naman sa mga senior citizen mula sa Bunsuran 3rd, Bunsuran 1st, at Sto. Niño. Inaanyayahan ang mga benepisyaryo sa Pandi na dumalo ayon sa itinakdang iskedyul upang matanggap ang kanilang benepisyo.
📷 Mayor Rico Roque FB